Product Manual
S: February 6 Nag message po sa facebook ang tita ko na naghahanap daw ng
seaman yung ka churchmate nya na si Gloria Alvarado, asawa ng Kapitan na si Allan
Balderama. Si Allan Balderama daw po ay kapitan sa barko at naghahanap ng tauhan.
Magandang oportunidad daw po iyon sa amin. Ang sinabi po sa kanya, need lang mag
submit ng requirements online gaya ng passport, valid IDs, CV at pirma o signature sa
isang malinaw na bond paper. Pinag submit po kami sa email
(triciamaxx25@gmail.com) Tinanong po namin Kung anong agency ang mag process
ng dokumento at sinabi nila na yung Sea Born daw. Nakita po namin na delisted sya
sa POEA, ngunit sinabihan po kami na DIRECT HIRE daw po kami ni Kapitan. Kaya
ok lang daw yung agency na mag proseso ng dokumento. Para po sa visa processing,
pinagbabayad kami agad ng 35,000 pesos na mura na daw po dahil sasagutin naman
ni Kapitan yung ibang expenses. Pumayag po ako sa kadahilanang sinabi sa akin ng
tita ko na ibabailik nya ang pera ko kung may mangyaring aberya. Nagpadala po ako
ng 35000 sa aking tita kinabukasan February 7, at yun po ay ibinigay nya kay Gloria
na asawa ni kapitan. Yung kapatid ko po na si Sarah ay nag submit din ng application
at yung 35,000 pesos na fee ay binayaran ng tita ko at binigay nyang muli kay Gloria.
Ang pangako po sa amin, madali lang ang housekeeping work sa cruise ship,
nagpapalit lang ng bedsheets. $1500 per month daw ang sweldo, bukod pa yung mga
tip ng mga mayayaman na nakasakay sa barko. 6 months daw po ang pagbabarko
namin. Sayang po ang oportunidad at ang tita ko kase ang nagsabi na katiwatiwala
daw ang Gloria at Allan na yon dahil nga yung asawa ni kapitan ay kasamahan nya sa
simbahan, bukod pa sa Pulis sya na naka duty sa Taguig. Sa kabuuan po ay naka
recuit po sila ng 11 na tao, kabilang po yung iba pang pamangkin ng tita ko. Mag antay
nalang daw kami ng interview dun sa may ari ng barko mismo na Briton, at lalabas
daw ang visa namin after 1 week.
Lumaon po ang 1 at 2 linggo. Nag follow up po kami pero ang sabi may inaantay lang
na mga bagong recruit. Mga first week of March daw ang interview. Pero wala pong
interview at visa na lumabas. Lagi lang kami pinag aantay at sinasabi na nagka
problema daw ng kaunti sa visa processing. March 12, nagtanong ang kapatid ko kung
tuloy ba ang alis sa 16, samantalang wala pa rin visa at walang interview. Ang tita ko
ang sumagot na wala pa daw update galling kay Gloria. Nakasalalay daw sa agency
ang status ng application namin. Pati ang tita ko ay nagtataka na sa mga nakukuha
nyang updates mula kay Gloria. Nag duda na po kami sa mga pangyayari, pati yung
tita ko. Kinausap na po ng tita ko ng masinsinan si Gloria at kami rin po ay nag isip
narin na baka na-scam nga kami. Dito po namin nalaman na si ALLAN BALDERAMA
pala ay hindi naman pala kapitan. Siya po ay second mate seaman lamang sabi ng
tita ko. Nag aral lang daw sya o training para maging kapitan at sa susunod na akyat
daw nya ng barko ay kapitan na sya. Bilang wala naman kaming visa o seaman’s book,
nag demand na po kami na ibalik ang pera namin. Sa pag uusap po ni Gloria at ng tita
ko, ibabalik nalang daw po ang pera namin. Nasa 140,000 ang nakuha nila na pera sa
tita ko, kasi may nag backout din na isang applicant at nagbayad pa ang tita ko ng
10,000 na processing fee para doon sa nag back out. Binayaran po ako ng tita ko ng
35,000 dahil sa garantiya nya, ngunit sya po ang napuruhan dahil hiindi siya binayaran
ng buo sa mga kinuha sa kanya.
Sa huling usap namin, sinabi ng tita ko na si Gloria ay nagbayad sa kanya ng 10,500
pesos. Nag uusap na daw sila ng Mabuti at sinabi sa kanya na ibabalik ang mga pera
pero walang takdang date, gagawan lang daw ng paraan. Ayaw po mag reklamo ng
tita ko dahil puro phone conversations lang daw ang ebidensya nya, walang chat about
sa pera, at nangako na daw si gloria na magbabayad ng unti unti. Isa pa, kapag daw
pumupunta si Gloria sa bahay nila ay may dalang baril (dahil pulis Taguig sya), kaya
takot po ang tita ko. Kami naman ay humihingi ng hustisya sapagkat si Allan
Balderama naman ang puno at dulo ng pag re recuit nila at ayaw namin na maulit ito
sa ibang tao.
6. T: Kailan at saan nagsimula ang panghihikayat sa iyo na magtrabaho sa ibang
bansa?