Product Manual
S: Wala. Hindi kami nakaalis, walang visa, walang kontrata, at walang interview.
T: Meron ba kayong nais sabihin o idagdag sa iyong mga sinalaysay?
S: Kami po ay nababahala dahil yung mga personal na dokumento namin ay nasa
kanila at baka magamit sa masasamang Gawain. Mga passport pati pirma namin ay
kinuha. Mas napuruhan ang tita ko dahil nagpaluwal sya sa mga applikasyon namin
lalo na sa kapatid ko na si Sarah, ngunit ayaw nya idamay yung Gloria sa reklamo
dahil pulis ito at may baril, at nangako naman daw na magbabayad na.
12. T: Pansamantala ay wala na muna akong itatanong sa iyo, may nais ka pa po
bang idagdag o linawin sa iyong salaysay?
S: Yun lamang po.
BILANG PAGPAPATUNAY, ako ay pipirma sa ibabaw ng aking pangalan
ngayong 28 Marso 2021 dito sa opisina ng Legal Assistance Division ng POEA 4
TH
Floor, BFO/POEA Building, Edsa Corner Ortigas Avenue, Mandaluyong City.
WAKAS NG SALAYSAY:
ALFREDO ALAN CANLAS
Nagsasalaysay/Affiant
SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN sa harap ko ngayon ika___ ng
____________________. Pinatunayan ko na nagsasalaysay ay aking nasiyasat at ako
ay may sapat na paniwala na siya ay kusa at malayang nagsasalaysay.
________________________________
POEA Administering Officer