User's Guide

26
Wikang Filipino
Mahalagang mga tagubiling pangkaligtasan
1. Basahin ang mga tagubiling ito
2. Itago ang mga tagubiling ito
3. Pansinin ang lahat ng babala
4. Sundin ang lahat ng tagubilin
5. Huwag gamitin ang aparatong ito nang malapit
sa tubig
6. Linisin lamang ng tuyong tela
7. Huwag harangan ang anumang mga bukas na
bentilasyon. I-install alinsunod sa mga tagubilin
ng tagagawa.
8. Huwag i-install nang malapit sa anumang mga
pinagmumulan ng init tulad ng mga radyetor,
mga rehistro ng init, mga kalan, o iba pang
mga aparato (kabilang ang mga amplifier) na
naglalabas ng init.
9. Huwag biguin ang layuning pangkaligtasan
ng plug na polarisado o uring pang-ground.
Ang isang polarisadong plug ay may dalawang
talim na ang isa ay mas malapad kaysa sa isa.
Mayroong dalawang talim ang plug na uring
pang-ground at may pangatlong tulis na pang-
ground. Ang malapad na talim o ang ikatlong
tulis ay inilagay para sa iyong kaligtasan. Kung
ang ibinigay na plug ay hindi kasya sa iyong
saksakan, kumunsulta sa isang elektrisyan para
mapalitan ang luma nang saksakan.
10. Ingatan ang kurdon ng kuryente na huwag
matapakan o mapingot lalo na sa mga plug, mga
lalagyan, at ang dulo kung saan ang mga ito ay
lumalabas mula sa aparato.
11. Gamitin lamang ang mga ikinakabit/aksesorya
na tinukoy ng tagagawa.
12. Gamitin lamang kasama ang cart,
stand, tripod, bracket, o mesa na
tinukoy ng tagagawa, o ibinebenta
kasama ang aparato. Kapag ginamit
ang isang cart o rack, mag-ingat
kapag iginagalaw ang kombinasyon
ng cart/aparato upang maiwasan
ang pinsala mula sa pagkatagilid.
13. Alisin sa pagkasaksak ang aparatong ito
sa panahong may mga bagyo’t pagkidlat
o kapag hindi ginagamit sa mahabang
panahon.
14. Isangguni ang lahat ng pagserbisyo sa
kwalipikadong mga tauhan ng serbisyo.
Kinakailangan ang pagseserbisyo kapag
masira ang aparato sa anumang paraan,
tulad ng napinsalang kurdon ng suplay ng
kuryente o plug, natapong likido o may mga
bagay na nahulog sa aparato, nalantad
ang aparato sa ulan o halumigmig, hindi
gumagana nang normal , o naibagsak.
Mga babala
Hindi ito laruan. Ilayo ang produktong ito at ang
mga aksesorya nito sa maliliit na bata.
Sundin ang impormasyong pang-elektrikal at
pangkaligtasan sa ibabang panig ng produkto
bago i-install o paganahin ito.
Upang mabawasan ang panganib ng sunog o
pagkakuryente, huwag ilantad ang aparatong
ito sa ulan o kahalumigmigan. Huwag ilantad sa
natutuluan o natatalamsikan. Ang mga bagay na
may laman na likido, tulad ng mga paso, ay hindi
dapat ipatong sa aparato.
Huwag ibagsak ang produkto.
Huwag takpan ang produkto, dahil maaaring
magdulot ito ng labis na pag-iinit.
Ang masyadong paglapit ng iyong mga tainga sa
speaker ay maaaring makasira sa iyong pandinig.
Huwag makinig nang napakatagal sa isang
mataas na antas ng presyon ng tunog.
Huwag ipasok ang mga parte ng katawan o
mga bagay sa bass port dahil sa panganib ng
pagkapinsala.
Huwag ilagay ang produkto sa isang lugar na
nahaharangan ang akses sa pagmumulan ng
kuryente.
Ang punong plug ay ginagamit bilang kasang-
kapan sa pagdiskonekta, ang kasangkapan sa
pagdiskonekta ay dapat manatiling madaling
napapaandar.
Ang internal na baterya ay walang-pamalit para
sa gumagamit. Huwag subukan na tanggalin ang
baterya mula sa produktong ito.
Huwag ilantad ang baterya sa labis na init tulad
ng direktang sinag ng araw, ningas ng apoy o
katulad nito.
Ang kagamitang ito ay isang Class II o
doble insulado na kasangkapang elek-
trikal. Ito ay dinisenyo upang ito ay hindi
mangangailangan ng isang koneksyong
pangkaligtasan sa elektrikal na lupa.
Pag-install at koneksyon
Ikonekta lamang ang produkto sa tamang
punong boltahe tulad ng ipinapakita sa
kagamitan.
Gumamit lamang ng mga kable ng kuryente ayon
sa uri na tinukoy sa mga tagubilin sa pagpaandar
o ayon sa minarkahan sa ibabaw ng produkto.
Huwag ilagay ang kagamitang ito sa isang
limitado o saradong espasyo. Panatilihin ang
mga kondisyon na mahusay ang bentilasyon
habang ginagamit. Hindi dapat maharangan
ang bentilasyon sa pamamagitan ng pagtakip sa
mga puwang gamit ang mga bagay na tulad ng
dyaryo, mantel, kurtina atbp.
Dapat walang mga pagmumulan ng ningas ng
apoy, tulad ng mga kandilang may sindi, ang
dapat ilagay sa ibabaw o malapit sa aparato.
Impormasyon sa pagtatapon at pag-recycle
Ang mga produktong elektrikal, kable, ba-
terya, kahon, at ang manwal ay hindi dapat
ihalo sa pangkalahatang basura sa bahay.
Para sa angkop na pagresiklo, mangyaring
dalhin ang mga produktong ito sa inilaang
pagkukunan kung saan ay tatanggapin
ang mga ito nang libre o ibalik ang mga ito sa iyong
lokal na tagapagtinda. Ang tamang pagtatapon sa
produkto ay nakakatipid ng mapagkukunan at na-
kakapigil ng mga negatibong epekto sa kalusugan
ng tao at sa kapaligiran.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa
pagtatapon at pag-recycle, bisitahin ang website
www.urbanears.com
Disclaimer
Ang bisa ng baterya ay kinakalkula base sa walang
piling tugtog ng musika, na katamtaman ang lakas
ng tunog.
Dinisenyo sa Stockholm • Ginawa sa China